FANDOM


180px-Lualhati

Lualhati Torres Bautista

Welcome to the Lualhati Torres Bautista WikiEdit

Buhay at mga Gawa ni Lualhati Bautista

BiographyEdit

Ipinanganak noong Disyembre 2, 1945 sa Tondo, Manila at magulang sina Esteban Bautista at Gloria Torres. Ang kanyang pag-aaral mula elementary hanggang hayskul ay isinagawa at isinakatuparan niya sa mga pampublikong paaralan. Natapos niya ang kanyang elementarya noong 1958 sa Emilio Jacinto Elementary School at ang kanyang hayskul ay sa Torres High School noong 1962. Kinuha ni Lualhati Bautista ang kanyang kolehiyo sa Lyceum of the Philippines kung saan kumuha sya ng kursong journalism. Mas gusto niyang magsulat kaya nagpasiya siyang tumigil sa pag-aaral.

Nagsimula siyang magsulat sa edad na 16 at naging malaking impluwensya ng kanyang mga gawa ang kanyangsms na makata, mang-aawit, kompositor at musikero.. Isa sa kanyang mga naunang kwentong nagawa at nailimbag sa isang magasin ay ang Liwayway. Siya ay naging bise president ng Screenwriters Guild of the Philippines at chair ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya ay naging pambangsang fellow ng fiction ng Unibersidad ng Pilipinas Creative Writing Center noong 1986. Kadalasan, sumasali siya noon sa mga pagligsahan sa pagsusulat ngunit ngayon siya ng ang isa sa mga hurado. Hanggang ngayon, si Ms. Lualhati Bautista ang isa sa mga pinakamahusay at pinakatanyag na manunulat sa bansa.

Si Ms. Lualhati Bautista ay kilala sa kanyang mga tanyag at ginatimpalang nobela. Ilan sa mga ito ay ang Gapo (1980), Dekada '70 (1983), and Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? (1984). Lahat ng ito ay nagkamit ng unang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards para sa Literatura. Maliban sa mga ito, siya rin ay nakagawa ng maraming tula at maiikling kwento na nailimbag at pinagsama-sama sa isang anthology. Karagdagan sa kanyang pagiging nobelista siya rin ay isang script writer kung saan siya ang naparangalan ng maraming institusyon. Ilan sa kanyang mga parangal ay ang best story, best screenplay mula sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards at naging finalist sa best screenplay ang ilan sa kanyang mga gawa sa Star Awards at FAMAS. Natamo din niya ang best drama story sa telebisyon ng Catholic Mass Media Awards. Siya ay ginantimpalaan noong Marso 10, 2004 ng Ateneo Library of Women’s Writings (ALIWW) sa kanilang 8th Annual Lecture on Vernacular Literature by Women.

Latest activityEdit

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.