Mga Tauhan ng Dekada '70
Talk0this wiki
Category page
Amanda - ina sa limang lalaki na pangunahing tauhan sa kwento at asawa ni Julian. Pinakita ang katatagan ng loob sa lahat ng pangyayaring nasaksihan at naranasan sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Julian - asawa ni Amanda na kaagapay nito sa pagpapalaki sa mga anak. Naging mabuting ama sa kwento, kaantabay sa pagdedesisyon, pangangalaga at pagprotekta sa kanilang mga anak.
Jules - panganay na anak nina Amanda at Julian. Pinagpasyahang tumulong sa mga rebeldeng NPA upang tuligsain at iwaksi ang rehimeng Marcos.
Isagani - ikalawang anak ng mag-asawa na naging sailor at itinuring na cream of the crop ng pamilya. Nagkaroon ng simpleng pagkakamaling mabuntis ang kasintahang si Evelyn.
Emmanuel - pangatlong anak ng mag-asawang Bartolome. Piniling maging manunulat ngunit hindi sinang-ayunan ng ama sa kadahilanang maliit lamang ang sweldo.
Jason - pang-apat na anak na maituturing na isang tipikal na teenager. Napatay ng mga pulis ng rehimeng Marcos.
Benjamin - bunsong anak ng mag-asawang Bartolome. Isang batang nasa kalagitnaan ng kanyang pagbibinata.
Mara - babaeng nakilala ni Jules bago ito mabilanggo. Nabuntis at pinakasalan niya ito habang nakakulong.
Evelyn - ang kasintahan ni Isagani na nabuntis. Kalaunan sila ay pinakasal dahil magkakaroon na sila ng anak.